Friday, July 23, 2010

“Why will I try to destroy it? I’m trying to save Boracay” – tourism chief
BY BOY RYAN B. ZABAL

What are the reactions of Tourism Secretary Alberto Lim in the mounting protests of stakeholders of Boracay and how he responds to the questions of our veteran broadcaster in Aklan.
In the interest of Aklanforum readers, here is an exclusive interview of Kaibahang Butz J. Maquinto in his top-rated morning program 'Ilitsahan' over RGMA DyRU Super Radyo Kalibo with Tourism Secretary Alberto Lim last week:

Kaibahang Butz: Maaring po bang makuha ang opening statement ninyo tungkol dito sa Boracay brouhaha?
Alberto Lim: Unang una binabati ko ang mga taga Boracay at mga taga Aklan. At kung nakikinig sina Governor at Mayor, binabati ko sila. Yung tungkol sa isang newspaper article, medyo may kaibahan sa mga sinabi ko at ng sinulat ng mamamahayag dahil parang meron na siyang istorya na gustong ilabas at ginamit ang mga salita ko para lalabas ang kanyang punto de vista. Pero hindi naman iyon ang aking tunay na punto de vista. Sa ganon, gusto kong ipaliwanag sa inyo kung anong tunay na sinabi ko.
Kaibahang Butz: Could we go over yung mga lumabas.. you were quoted as saying na, pag pumunta kayo ng Boracay, that if we go to Boracay, you love the beach, magugustuhan ninyo ang beach, you love the nightlife and the good restaurants. But it is so dense, it is so dense. Pwedeng po bang makuha kong ano talaga ang sinabi ninyo tungkol dito?
Alberto Lim: Well, hindi mo naman madedeny na yung density ng Boracay ay mas mataas sa ibang mga lugar. Yung density naman, ibig sabihin nun, yung kabit-kabit yung mga resorts. Sa ibang mga lugar, hindi naman ganoong ka-dense. Pero sa Boracay, parang kakaiba, kakaiba ang sa Boracay. Yun ang nagkokontribute sa character ng Boracay, masigla ang nightlife, masigla ang entertainment. Kakaiba ang inyong development.
Kaibahang Butz: Sinabi pa rito, ‘it is now, you know, too commercial, it’s become Phuket’
Alberto Lim: Commercial nga, hindi gaya ng mga ibang beach resorts na hindi gaanong karami ang mga shopping establishments, yung recreation, talagang lahat ng nagugustuhan ng turista ay nandiyan na sa Boracay. Commercial nga dahil hindi ninyo madedeny yan, maraming kayong mga iba’t ibang mga offerings sa mga turista. Dati rati kasi, pumupunta na ako sa Boracay mga 30 years at hindi ganon ka commercial, yung 1980, tatlo lang yata ang resorts doon.
Kaibahang Butz: At wala pa yatang koryente noon.
Alberto Lim: Wala ngang shops…sa Friday’s lang, Lorenzo Main, one or two more. Yun ang natatandaan ko ng unang Boracay. Tapos, bumalik ako 1991, dumami na. Pero sa ngayon, hindi ako nakabalik for 18 years. Bumalik ako last year, dahil kinasal ang aking anak sa Boracay, sa Sea Wind Resort. Medyo nakita ko na, ang dami daming establishments. Pero nag enjoy naman ako, ang saya, masaya sa Boracay. Kakaiba sa ibang mga destinations. Ang aking concerns lang ay baka hindi ninyo masustain itong development kung walang mga interventions para hindi masira ang kalikasan.
Kaibahang Butz: I do not know, Mr. Secretary, if you are aware of the fact, na ina-address na itong mga problema, especially itong sinabi ninyo sa interview?
Alberto Lim: Alam ko yun…kaya yan ang gustong kong mangyari. Matagal bago pumasok itong mga sewerage infrastructures at kailangan magkonekta lahat sa mainline. Ang nangyayari sa tubig, me kaugnayan din.
Kaibahang Butz: Kasi me sinabi kayo dito na, the Governor reacted very strongly tungkol sa mga algae na galing sa sewage ng mga hotels and restaurants. Sinasabi kasi, na long before na ganito na kadami yung mga establishments sa Boracay, nandiyan na yan ang mga algae, every summer, talagang ganyan. Ilang beses na akong nagpupunta even before this so-called, na sinabi ninyong, over-development. Wala pa halos tao sa Boracay, nandiyan na yang mga algae, lumalabas every summer.
Alberto Lim: Alam ko yan.. isang buwan lang, pero ngayon, mas matagal na….mga four months na ang algae bloom. Kinunsulta ko rin ang mga scientists, marine biologists, may correlation ang algae bloom, may I quote the foremost scientist and chemical oceanographer Dr. Gil Jacinto ng Marine Science Institute, ‘it is long been known that the human waste contains high amount of nitrogen and phosphorous. If discharge in coastal waters, they act as fertilizers and promote excessive growth of microscopic plants. The excessive discharge of sewage promotes the growth of phytoplankton or plankton blooms, some of these blooms are harmful causing toxic…. Marami pa siyang sinabi. Hindi natin maideny na me connection yan.
Alam ko ng 1985, nangyari na ito, in fact, the DENR even closed the beach. Kailangan me interventions, hindi naman sinasabi na wag mag develop, kaya lang, to sustain development, kailangan me interventions like the sewerage system of Philippine Tourism Authoriy through a loan, na ngayon ay inooperate ng Manila Water. Kaya maganda ang development na yan.
If mag dedeny pa kayo na walang connection, yan ang problema natin, di ba? The first step in solving a problem is to recognize the problem.
Kaibahang Butz: Tungkol sa sinabi ninyo regarding sa coliform issue… me foreign scientists na nag examine sa tubig ng Boracay, sa beach, to test the level ng coliform na nakakaalarma, na hindi naman totoo. In fact, even President Fidel Ramos and Secretary Mina Gabor of DoT at that time had to go sa Boracay… nag swimming sila upang ipakita na walang ikatakot sa tubig ng Boracay. It was found out na karamihan sa mga samples na kinuha ng DENR ay galing sa deep wells at talagang mataas ang coliform level doon.
Mr. Secretary, to let you know of the situation, naalarma ang mga tao rito talaga sa mga sinabi ninyo.. that this could again affect o maapektuhan na naman ang Boracay Island.
Alberto Lim: Kaya nga merong sewage, meron na tayong interventions. Kung idedeny ninyo pa na walang kaugnayan yan, so bakit pa tayo nag invest ng P1-billion para sa sewage. Kung ganon, wag na tayong mag-invest sa sewage…kaya nga me investments, dahil approve na yan, if you want I could furnished you with all the studies.
What I am concern about is the sustainable tourism, ayaw ko naman na walang interventions, lalong lalala ito. Ngayon, merong sinasabi na, kung yun talaga ang problema, bakit wala naman sa tag ulan? Magandang tanong yun, ang scientific explanation yan, dahil sa ulan, nagiging matabang ang tubig at ang alat ng tubig ay bumababa, ang mga algae ay hindi kayang mag bloom dahil mas mababa ang salinity. I could cite to you some international cases, na nangyayari ito sa China, sa Florida, proven na yan worldwide, na me kaugnayan, kaya kailangan natin may mga interventions. I want to see Boracay contributes a lot in tourism. Why will I try to destroy it? I’m trying to save it, to improve it.
Kaibahang Butz: Itong sinabi ninyo na dapat din na i-clarify natin ‘Lim also voiced concerns about the project approved by the previous government under then President Gloria Arroyo to extend Caticlan airport, just across a small strait from Boracay, so that it take international flights.’ Ang sinabi ninyo raw, ‘it will compound the problem because it is meant to lengthen the airport, bring in more tourists, and there are too many tourists already’
Alberto Lim: Alam mo, yun ang punto de vista ng writer. Hindi ko naman sinasabi na hindi dapat pumunta dyan ang tourists. Sinabi niya baka magkaroon ng environmental problem pag na-level ang bundok doon. Wala akong alam tungkol don, parang mayroon na siyang istoryang gustong isulat....to put words in my mouth na hindi ko man inintend.
Kaibahang Butz: Hindi ninyo sinabi na marami ng tourists o sinabi ninyo talaga?
Alberto Lim: Ang talagang pinaka main point ko ay we have to put mitigating measures so that we can take in the amount of tourists dahil marami na. Kasi ang carrying capacity, that is a scientific term. Ang isang maliit na pulo, ay ilang tao ang i-accommodate, kung masyadong marami na, siyempre maapektuhan ang kapaligiran. Ibig sabihin, iilan lang ang tao sa Boracay, ngayon dumami na. Ang pamamaraan ng pag increase ng carrying capacity ng isang lugar ay maglagay ng human interventions gaya ng sewage and patubig. Ang carrying capacity may limits din yan... tamang interventions, mga engineering and infrastructure interventions para kayanin ang dami ng turista. May solusyon o agham dyan, kailangang pag-aralan, hindi lang mag-develop lang tayo.
Kaibahang Butz: Mr. Secretary, ang lumabas dito sa article... talagang naapektuhan ang Boracay?
Alberto Lim: Hindi naman siguro...kayo siguro ang naging masyadong sensitive dyan... pero alam mo, we will continue to promote Boracay.
Kaibahang Butz: Secretary, sa tingin ninyo, wala namang masyadong epekto sa Boracay?
Alberto Lim: Alam mo, I want to clarify, Boracay will continue to be the jewel of the beaches in the Philippines.


4 comments:

  1. Anonymous1:28 PM

    dapat nyan tangalin sa pwesto, secretary na utak talangka, pwe!

    ReplyDelete
  2. Anonymous1:34 PM

    dapat nyan sa kanya iloblob sa tubig ng Boracay, tapos i loblob din sa sceptic tank na puno ng tae at ihi, tapos tanungin sya kung anu ang pagkakaiba..pag sinabi nyang pareho lang, din i think it's the right time for us na makinig sa kanya..

    ReplyDelete
  3. Anonymous3:40 PM

    Mga bulag at nagtanga tangahan ang dalawang ng comment d2.kayo dapat ang ilublob s sceptic tank at kayo ang mga utak talangka.Mga Pilipino rin kayo na dapat concern kayo sa boracay.Alam nyo naman na ang boracay ang isa sa pinakasikat na tourist destination d2 sa ating bansa,dapat lang naman natin pangalagaan ang likas na kagandahan ng boracay.Mabuti pa nga ang mga turista,concern sa mga nangyayari dito sa boracay kayo na mga pilipino,wala.

    ReplyDelete
  4. Anonymous11:17 AM

    kung nais na tulongan ni secretary lim ang boracay sana hindi siya nagbibigay ng mga comments thru press releases that are deemed to be detrimental to boracay. kung may mga maling bagay man ang pag-develop at pag-manage ng boracay sana pinaguusapan na lang ang mga ito in private. washing the dirty linens of boracay in public is a stupid thing to do especially if done by a tourism secretary. kasi it will help cook the goose that lays the golden eggs. mr. secretary kung sa tingin mo ay may problema ang boracay, hindi ito malulutas with loose lips but with firm actions. sana idinaan mo na lang ang tulong mo sa gawa.

    ReplyDelete